One ID system para sa mabilis na serbisyo sa mga Pasigueño, inilatag ni Discaya

INILATAG kahapon, Huwebes, ni Pasig City mayoralty aspirant Sarah Discaya ang kaniya plano na magkaroon ng One ID system para sa mga Pasigueño.

Ayon kay Discaya, layon ng programang ito na mapabilis ngunit sa simpleng paraan maidadaan ang mga tulong at ayuda mula sa pamahalaang lungsod patungo sa mga kalipikadong residente nito.

Sinabi pa ng pilantropo na nais niyang mabilis makarating sa mga reisdente ang mga tulong medikal, pinansiyal na tulong at iba pang serbisyo na ilalaan ng pamahalaang lungsod.

“Habang papasok tayo sa taong 2025, aktibong binabago natin ang Pasig upang maging isang lungsod na inuuna ang pagiging episyente, mabilis, at moderno. Tinitiyak namin na walang Pasigueño ang mahihirapan sa pagkuha ng mahahalagang serbisyo,” ang pahayag ni Discaya.

Ang programang ito ay tatawaging “Pasigueño Pamilya Tayo” na bahagi ng kaniyang plano na gawing moderno at isang ‘Smart City’ ang Pasig sa unang bahagi pa lamang ng 2025.

“Nakatuon kami sa paghubog ng hinaharap ng Pasig—isang lungsod na inuuna ang pagiging episyente, mabilis, at moderno. Layunin naming alisin ang mga hadlang na nararanasan ng bawat Pasigueño sa pagkuha ng mahahalagang serbisyo,” ayon pa kay Discaya.

“Sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya, ang programang ito ay magpapadali sa proseso ng pagbibigay ng tulong at suporta, upang ito ay maging mas epektibo at patas para sa lahat. Kaya naman, ikinagagalak naming ipakilala ang Pasig ID, na magsisilbing susi sa mas mabilis at sistematikong serbisyo at tulong,” dagdag pa ng 48-anyos na negosyante.

Giit pa ni Discaya na maliban sa mga nauna ng nabanggit, dito rin sa One ID idadaan ang ragalong pang-holiday, gamit pang-eskuwela ng mga mag-aaral, food packs at iba pa.

“Sa isang simpleng pag-scan lang ng nasabing ID, ang mga may hawak nito ay makikinabang agad sa libreng medical check-up, mga gamot at iba pang suporta medikal. Ang mahabang pila sa mga serbisyong panglungsod ay magiging alala na lamang ng nakalipas,” giit pa ni Discaya.

Mahigpit na katunggali ng kasalukuyang alkalde na si Mayor Vico Sotto si Discaya.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...