33.4 C
Manila
Saturday, November 16, 2024

Face-to-face classes suspendido sa Timog Luzon dulot ng Taal vog

NASA Alert Level 1 pa rin ang lagay ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal simula noong Lunes ng umaga, Agosto 19.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, ang bulkan ay kasalukuyan ding nasa low-level at hindi masyadong nakakabahala ngunit ang inilalabas naman nitong volcanic smog o vog ay ramdam na ang epekto sa Batangas at mga karatig lalawigan nito.

Samantala, pagdating sa epekto ng vog sa kalusugan, idinagdag ng Phivolcs na ang taong may karamdaman tulad ng hika, sakit sa baga, problema sa puso, mga matatanda, buntis, pati na rin mga bata ay mas sensitibo sa volcanic smog na maaaring magpalala ng kanilang kalagayan.

“Ang vog o volcanic smog ay binubuo ng fine droplets na naglalaman ng volcanic gas tulad ng SO2 na acidic at maaaring magdulot ng pangangati ng mata, lalamunan at respiratory tract na maaaring lulubha pa depende sa konsentrasyon ng gas at tagal ng exposure dito,” paliwanag ng Phivolcs sa kanilang website.

Paalala pa ng ahensya sa lahat lalong-lalo na sa mga komunidad na apektado ng vog, dapat limitahan ang paglabas ng bahay kung maari.

Hinihikayat rin na gumamit ng protective mask tulad ng N95 na matatakpan ang bibig hanggang ilong, at uminom ng maraming tubig para mabawasan ang throat irritation.

Kaugnay nito, nagdeklara ang Department of Education (Deped) ng ‘Walang Pasok’ sa mga apektadong lugar upang maiwasan ang sakit na maaaring idulot ng vog.

BASAHIN  Administratibong gawain ng mga guro, aalisin na—VP Sara

Sa inilabas na memorandum ng DepEd, iniutos ni Secretary Sonny Angara ang suspenyon ng mga klase sa mga apektadong paaralan kahit wala pang pahayag ang mga local government officials.

“Sa kamakailang pagsabog ng Bulkang Taal at paglabas ng volcanic smog sa nakalipas na 24 oras, pinahihintulutan ng Department of Education (DepEd) ang mga apektadong paaralan na suspendihin ang klase kahit wala pang opisyal na pahayag mula sa mga local government units,” saad ng memorandum na may petsang Agosto 19.

Suspendido na ang face-to-face classes sa ilan sa mga lugar sa Luzon, karamihan ay sa Calabarzon region, dahil sa mataas na level ng vog, ayon sa DepEd nitong Linggo.

Sa Batangas, ang mga bayan ng Balete, Balayan, Malvar, Laurel, San Jose, Mataas na Kahoy, Agoncillo, San Nicolas, Nasugbu, Lemery, Lian, Talisay, San Luis, Alitagtag, San Pascual, Calatagan, Tuy, Cuenca, Sta. Teresita, Bauan, San Juan, Taal, Padre Garcia, at Ibaan, at ang lungsod ng Calaca ay nagpatupad na ng suspensiyon sa lahat ng antas kapuwa sa pampubliko at pribadong mga paaralan.

Sa Cavite naman, ang mga munisipyo ng Silang, Mendez, Indang, Alfonso, Gen. Mariano Alvarez (GMA), Carmona, Gen. Emilio Aguinaldo, Amadeo, Maragondon, Naic at Carmona ay nag-suspendi na rin ng in-person classes.

Samantala, ang mga bayan ng Calamba, Biñan at Los Baños sa lalawigan ng Laguna ay nagdeklara rin ng suspensiyon ng face-to-face classes sa lahat ng antas.

BASAHIN  Mandaluyong nanguna sa National Achievement Test

Sa Metro Manila naman, ang mga lungsod ng Muntinlupa at Las Piñas ay nagpatupad ng blended learning dahil malapit din ang mga ito sa mga apektadong lugar.

“Upang matiyak ang tuloy-tuloy na pag-aaral sa mga apektadong lugar, inatasan ng DepEd ang mga paaralan na gumamit ng mga alternatibong delivery modalities tulad ng modular o online learning,” dagdag sa memorandum.

Noong Huwebes, sa pagbabantay ng Phivolcs sa Taal,  isang malakas na steam plume shooting na may taas na  2,400 metro patungong hilagang kanluran ang ibinuga ng bulkan.

Nagpalabas rin ang Taal ng 3,355 tonelada ng SO2 at na-obserbahan na may pag aalsa ng hot volcanic fluids sa pangunahin nitong lawa ng crater.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA