Car-free Sundays, inilunsad sa Marikina City

Share

UPANG isulong ang mas aktibo at malusog na pamumuhay, inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Marikina ang “Marikina Together: Car-Free Sundays” noong Lunes, March 2, 2025, sa kahabaan ng Gil Fernando Avenue.

Mula alas-6 ng umaga hanggang alas 10 ng umaga, magagamit na ang kalsada mula sa kanto ng Guerilla Street (Xeland Marikina) hanggang sa Comedor Restaurant para sa mga outdoor activities tulad ng paglalakad, jogging, zumba, cycling at iba pa.

Pedestrian at bike-friendly ang nasabing kalsada na may halos 700 metro ang haba kung saan regular nang idaraos dito ang zumba tuwing Linggo.

“Prino-promote natin ang paglalakad; paggamit ng mga bisikleta para sa pagtungo sa iba’t ibang lugar—sa paaralan, trabaho, [kung saan] sa ganitong paraan nakakapag-ehersisyo tayo sa ganitong lugar,” saad ni Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro.

Ayon pa sa alkalde, ito ay isang hakbang upang bigyan ang mga residente ng ligtas at malinis na espasyo para sa mga outdoor activities kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan.

BASAHIN  Pasig LGU ginawaran ng ‘Seal of Good Local Governance’

Sinabi pa ni Teodoro na nais niyang ipakita na may puwang sa lungsod para sa mas aktibong pamumuhay at malaki rin aniya ang maiaambag sa kalikasan.

“Ang pagbawas ng sasakyan sa kalsada ay nangangahulugan nang mas malinis na hangin at mas tahimik na kapaligiran. Isa itong simpleng paraan upang ipakita natin ang ating malasakit sa kalikasan at sa isa’t isa,” dagdag pa ng punong lungsod.

Kasabay nito, pinasinayaan din ang bagong mural na pinagtulungang ipinta ng 30 pintor na iginuhit at makikita sa pader sa Gil Fernando Avenue.

Isa sa mga prominenteng personalidad na makikita sa mural ay si Don Laureano “Kapitan Moy” Guevara, ang nagtatag at ang ama ng industriya ng sapatos sa Marikina. (Karagdagang balita mula kay Mae Anne Gizon)

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

Kinidnap na sanggol sa ospital sa Marikina nabawi na

NABAWI na ng 20-anyos na ina ang kaniyang sanggol na isinilang sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina City noong Disyembre 25, 2026...