₱360-B, Kakailanganin ng operators, drivers sa PUVMP

Share

AABUTIN mula ₱221 bilyon hanggang ₱360 bilyon ang kabuuang halagang magagastos
ng mga jeepney drivers at operators para tuluyan nang mapalitan ng moderno ang
tradisyunal na jeepney.


Ito ang ipinahayag ni 1-Rider Party-list Rep. Bonifacio Bosita sa pagdinig sa Kamara sa
isyu ng PUVMP o Public Utility Vehicle Modernization Program, kamakailan.


Ayon kay Bosita, may 250,000 ang bilang ng tradisyunal na jeepney sa buong bansa, at
marami rito ang naka-garahe dahil sa nahihirapang magbayad ng hulog ang operators.


Ang bawat yunit ng modern jeepney ay nagkakahalaga ng ₱985,000 para sa tradisyunal na disenyo at mula sa ₱2 milyong hanggang ₱2.8 milyon para sa mini-bus type.

BASAHIN  ‘Age doesn’t matter’ kay Karla E. May bago siyang jowa?


Sinabi pa ni Bosita na kulang pa ang badyet para sa buong programa.


Matatandaang pinalawig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahapon nang tatlong buwan o hanggang Abril 30 ang extension ng PUVMP, base sa rekomendasyon ng Department of Transportation (DOTr). Malinaw na hindi pa handa ang mga apektadong drivers at operators para makabili ng bagong yunits dahil sa kakulangan sa
pondo.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Taguig youth leaders: ‘Magbago, huwag umayon’

Hinikayat ni Sen. Alan Peter Cayetano ang 193 youth leaders ng Taguig na paghusayinang kanilang pamumuno, at ito’y magsisimula sa pagbabago. Aniya, mahalaga ang purpose,...