33.4 C
Manila
Thursday, January 16, 2025

Alitan sa partido ni PBBM tumitindi

TUMITINDI ang namumuong alitan sa pagitan ng mga orihinal at bagong mga miyembro ng partido pulitikal ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP), matapos magsampa ng kasong kriminal ang dalawang miyembro nito laban sa  di-umano’y mga bagong opisyal.

Sina Assam Ulangkaya ng Koronadal City at Alexander Agustin ng Nabunturan, Davao de Oro ay nagsampa ng kasong falsification of public documents at paglabag sa cybercrime law laban kina South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo, Jr., Thompson Lantion at abogadong si George Briones, sa Manila Prosecutors Office nitong Hulyo 8, 2024.

Matatandaan na si Ulangkaya, na dating national chairman for membership at kinikilalang haligi ng partido, ang siyang pumirma ng membership ni Pangulong Marcos sa PFP bago ang halalan noong Mayo 2022.

Bilang haligi ng partido, si Ulangkaya mismo ang nagpaabot ng mga hinaing at saloobin ng mga Muslim at ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARRM) kung saan isa ito sa mga isyu na nagpanalo kay PBBM sa ilalim ng PFP.

Tatlong araw bago nito, isang kahalintulad na kaso ang naisampa na ni Abubakar Mangelen laban din sa tatlong nabanggit na mga respondents.

Sa nasabing joint complaint-affidavit, sinabi nina Ulangkaya at Agustin na noong Setyembre 18, 2021 ay nagsagawa umano ng eleksyon para sa mga national officers ang kanilang mga inirereklamo kung saan naihalal si Tamayo bilang National President, si Lantion naman bilang Secretary-General samantalang si Briones naman ang General counsel.

Tinutulan kaagad nina Ulangkaya, Agustin at iba pang mga opisyales ang isinagawang halalan dahil ayon sa kanila, ang eleksyon para sa National Officers ay gaganapin nang hindi lalampas sa dalawang taon mula Abril 21, 2018 kung saan maaaprubahan na ang 2018 Constitution and By-Laws (CBL) ng PFP o hanggang Abril 20, 2020.

BASAHIN  Pananakot, pagbawi ng prangkisa ng LTFRB, tigilan na – Imee
Si Assam Ulangkaya habang pinipirmahan ang noo’y membership ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Partido Federal ng Pilipinas. (Photo courtesy: AMU).

Ayon sa Section 2, Article XVII ng 2018 CBL, ang expiration ng termino ng mga National Officers ay sa Setyembre 18, 2023.

Sinabi pa ng mga complainant na dahil walang legal na basehan at mandato ang mga akusado bilang National Officers ng PFP, kasama ng iba pang mga miyembro ng partido, sila ay nagsagawa ng eleksyon para sa National Officers sa Linden Suites, Ortigas Center, Pasig City noong Disyembre 14, 2023.

Sa nasabing halalan, inihalal nila si Pangulong Marcos bilang National Chairman, Leandro Verceles, Jr. bilang National President, Antonio Lagdameo bilang Executive Vice President, Antonio Rodriguez bilang Secretary-General, Antonio Marfori bilang Treasurer, Assam Ulangkaya bilang Auditor at si Julius Caesar Aquiluz naman ang Sergeant-at-Arms.

Sinabi pa nina Ulangkaya at Agustin sa kanilang complaint affidavit na naghain sila ng Omnibus Petition sa Commission on Elections (Comelec) noong Marso 5, 2024 na kinukuwestion ang legalidad ng grupo nina Tamayo dahil kung sila ay naihalal noong Setyembre 18, 2021 wala na umanong bisa ang kanilang termino noong Setyembre 18, 2023.

Sa kabila nito, naghain ng kanilang komento sa Comelec ang grupo ni Tamayo gamit ang sinasabing amyenda sa Constitution and By-Laws ng PFP at muling ginamit sa Petition for Accreditation noong Abril 7, 2022, bilang isa sa 10 major political parties sa Pilipinas.

BASAHIN  ₱18-M jackpot ng Lotto 6/42 nadale sa Bohol

Ngunit pinasinungalingan ng grupo ni Ulangkaya ang nasabing amyenda sa CBL dahil hindi aniya iton tinalakay o inaprubahan ng PFP sa National Assembly meeting bilang pagsipi sa Article XIII, Section 1 ng 2018 CBL.

Bilang patunay, inihain nina Alexander Agustin, Gabriel Sotto, Assam Ulangkaya, at Julius Caesar Aquiluz, na pawang mga orihinal na miyembro ng PFP National Assembly, na walang naganap na pag-amyenda sa CBL ang partido.

Dahil sa palsipikasyon ng mga mahahalagang dokumento lakip na ang electronic signature sa sinasabing amyenda kung kaya napilitang maghain ng reklamo ang grupo nina Ulangkaya laban sa grupo nina Tamayo dahil wala anilang otorisasyon at scanned copy lamang ang kanilang isinumite gamit ang computer technology.

Idinagdag pa ng mga complainants na nilabag ng mga respondents ang batas nang magsumite ang mga ito ng 2022 CBL sa mga pagdinig ng Comelec kung saan may kahalintulad din na reklamo ang inihan ni Mangelen kamakailan.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA