₱18-M jackpot ng Lotto 6/42 nadale sa Bohol

Share

ISANG Boholano ang nakadale ng ₱18,611,973.00 jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola Huwebes ng gabi sa main office sa Mandaluyong City.

Sa tala ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nagtumpak ang winning combination number 27 – 10 – 36 – 09 – 22 – 07 ng isang masuwerteng mananaya na taga San Miguel Public Market, San Miguel, Bohol.

Nasa 52 mananaya naman ang nanalo ng ₱24,000.00, may 2,474 players ang may ₱800.00 at nasa 36,275 ang may palit taya o ₱20.00

Samantala, wala namang nanalo sa raffle draw ng Super Lotto 6/49 na may jackpot prize na ₱15,840,000.00 pero may 78 players ang nanalo ng ₱50,000.00, nasa 2,797 ang may ₱1,200.00 at ₱50.00 naman sa 32,708 mananaya.

BASAHIN  Job fairs: libong trabaho sa iba’t ibang Probinsya

Maaaring makuha ng winner ang kanyang checke sa PCSO main office sa Mandaluyong City at magpakita lamang ng dalawang valid ID at nanalong lotto ticket.

Ang mga sosobra sa ₱10,000 na Lotto winnings ay mayroong 20-percent tax sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion law.

Paalala pa ng PCSO na ang mga premyong hindi pa nakukuha sa loob ng isang taon ay maaaring ma-forfeit.

Ang Lotto 6/42 Lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado. 

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Male-maletang pera na ‘idine-deliver’ ng 18-ex-Marines sa bahay ng mga pulitiko nakuhanan ng litrato

ITO ang kumakalat na mga litrato online kung saan sumusuporta umano sa sinabi ng 18 dating miyembro ng Philippine Marines sa isinagawang press conference...