33.4 C
Manila
Saturday, June 29, 2024

Pulis na bumunot ng baril sa isang away trapiko sa Antipolo, dinisarmahan na

DINISARMAHAN na at isinailalim sa restrictive custody ang pulis na nasangkot sa road rage sa Zigzag Road sa Antipolo City na naging viral sa social media noong Hunyo 18.

Ayon kay Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) director Police Colonel Felipe Maraggun, sa panayam ng BRANO News noong Hunyo 19, agad na pina-imbestigahan niya ang nasabing insidente at agad namang nakilala ang suspek sa video.

“Ngayon ay nasa restrictive custody na ng Morong Municipal Police Station ang pulis na sangkot sa viral video kung saan siya ay naglabas ng baril dahil sa isang away trapiko na naganap sa zigzag road sa lungsod ng Antipolo. Dagdag pa dito ay dinisarmahan na ito ng kaniyang hepe,” ang pahayag ni Maraggun.

“Ang ganitong uri ng kaganapan ay hindi natin i-totolerate. Bagkus ay papatawan natin ng karampatang kaparusahan na naaayon sa ating batas,” dagdag pa ng provincial director.

BASAHIN  Kauna-unahang 911 next gen emergency system, ibinandera sa Morong, Rizal

Sa nasabing viral video, maririnig sa uploader na si Willy Ruiz na pinabababa umano siya ng isang motorcycle rider at nagpakilalang police officer ito habang hawak ang isang baril.

Sinabi ng pulis na kaya umano siya napilitang harangan ang sasakyan ni Ruiz at bumunot ito ng baril dahil nag-cut umano ito sa kaniya at muntikan na siyang masagasaan.

Makikita rin sa nasabing video na maliban sa walang plaka ang motorsiklo nito, wala rin side mirror at naka-tsinelas lang ang rider na pulis.

Sinabi naman ni Rizal Governor Nina Ynares na agad niyang iniutos kay Maraggun na imbestigahan ang nasabing insidente.

Batay sa imbestigasyon, napag-alaman na ito ay isang pulis na nakatalaga sa investigation unit ng Morong Police Station (MPS).

BASAHIN  VP Sara dinalaw ang 7 eskuwelahan sa Masbate

“Atin pong kinukondena at hinding-hindi papalampasin ang mga ganitong insidente. Tututukan po natin hanggang lumabas ang resulta ng imbestigasyon at ang ipapataw na karampatang kaparusahan sa nasabing pulis,” ang pahayag ni Ynares.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA