Paslit ligtas, hostage taker kulong

Share

Kulong ang isang 34-anyos na hostage taker matapos na sumuko sa nagrespondeng Pasig Police makaraang palibutan ng mga otoridad nang pumasok sa isang bahay at i-hostahe ang isang limang taong gulang na paslit, Huwebes ng madaling araw sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni PCol. Celerino Sacro, Jr. hepe ng Pasig Police, nakilala ang suspek na si Alyas “Luigie”, residente ng Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City ang inaresto ng mga tauhan ng Special Weapon and Tactics (SWAT) sa pamumuno ni  PCpt. Melvin Balbag, bandang 3:00 Huwebes ng madaling araw nang pumasok sa isang bahay sa  Blk 22, Batok Street, Eusebio Avenue, Brgy. Pinagbuhatan at kunin ang bata.

BASAHIN  24-oras police ops ng Rizal PNP, 8 huli sa droga

Nabatid na hinahabol ang suspek ng mga residente sa lugar dahil inakusahang magnanakaw at para iligtas ang sarili ay pumasok sa bahay ng isang Mr. Edwin dala ang isang patalim saka hinablot ang bata.

Agad na nagresponde ang Pasig Police at nakumbinse ang suspek na sumuko.

Nakumpiska sa kanya ang  7.5 inches long na patalim.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig detention cell.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Humanitarian aid sa Gaza , ninakaw ng Hamas?

NINAKAW kamakailan ang malaking bolyum ng humanitarian aid na kinabibilangan ngmedical equipment at fuel sa UNRWA sites sa Gaza. Hindi nakilala ng United Nations Relief...