NAKALAAN na ang nasa mahigit 10, 227 bakanteng trabaho mula nakilahok na 81 lokal at ibang bansa na kumpanya at recruitment agencies para sa Malabueño na naghahanap ng trabaho na inihanda ng Malabon City Public Employment Service Office (PESO) na ginanap sa Malabon Amphitheatre, Barangay San Agustin.
Alinsunod sa pagdiriwang ng Women’s Month, mayroon ding food bazaar ang Mega Job Fair kung saan itinampok ang iba’t ibang produkto ng Malabueño businesswomen gayundin ang iba pang micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa lungsod.
Pinangunahan ni Mayor Jeannie Sandoval ang Mega Job Fair na makakatulong para sa mabilis na paghahanap ng trabaho.
Layunin ng Mega Job Fair na maglaan ng ‘Trabaho, Pangkabuhayan, at Negosyo,’ at binibigyan din ng pansin ang mga hanapbuhay at livelihood program kung saan maisho-showcase nila ang kanilang produkto.
Ayon kay PESO Head Ms. Luziel Balajadia, may mga overseas recruitment agencies na lumahok sa event, na nagbibigay ng pagkakataon sa mga naghahanap ng trabaho na makapagtrabaho sa ibang bansa kabilang ang mga bansang Japan, Oman, Kingdom Of Saudi Arabia, Germany, Canada, Taiwan at Qatar.
Ang mga Malabueño na naghahanap ng trabaho ay maaaring mag-aplay para sa mga trabaho sa nasabing mga bansa bilang mga Nurse, Kitchen Staff, Salesmen, Production Sewing Machine Operators, Restaurant Managers, Bartenders, Supervisor, Teachers, Technicians, at Construction Workers, Cooks, Welder, Waiters at Waitresses, at iba pa.
Idinagdag pa ng PESO head na karamihan sa mga inaalok na trabaho ay “blue collar job,” na nangangahulugang kahit sino ay maaaring mag-apply at hindi lamang ang mga may supervisory-level na karanasan sa trabaho.
Mayroon ding mga lokal na kumpanya na nagbukas ng mga pagkakataon para sa mga aplikanteng naghahanap ng trabaho bilang Chemical Engineers, Mechanical Engineers, Accountant, Clerk, Messenger, Welder, Carpenter, Mason Machine Operators, Fork Lift Operators, Baggers, Promodisers, Packers, Delivery Helpers, Production Workers, at iba pa.