10K trabaho alok sa Mega Job Fair ng Malabon

Share

NAKALAAN na ang nasa mahigit 10, 227 bakanteng trabaho mula nakilahok na 81 lokal at ibang bansa na kumpanya at recruitment agencies  para sa Malabueño na naghahanap ng trabaho na inihanda ng Malabon City Public Employment Service Office (PESO) na ginanap sa Malabon Amphitheatre, Barangay San Agustin.

Alinsunod sa pagdiriwang ng Women’s Month, mayroon ding food bazaar ang Mega Job Fair kung saan itinampok ang iba’t ibang produkto ng Malabueño businesswomen gayundin ang iba pang micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa lungsod.

Pinangunahan ni Mayor Jeannie Sandoval ang Mega Job Fair na makakatulong para sa mabilis na paghahanap ng trabaho.

Layunin ng  Mega Job Fair na maglaan ng ‘Trabaho, Pangkabuhayan, at Negosyo,’ at  binibigyan din  ng pansin ang mga hanapbuhay at  livelihood program kung saan maisho-showcase nila ang kanilang produkto.

Ayon kay PESO Head Ms. Luziel Balajadia, may mga overseas recruitment agencies na lumahok sa event, na nagbibigay ng pagkakataon sa mga naghahanap ng trabaho na makapagtrabaho sa ibang bansa kabilang ang mga bansang Japan, Oman, Kingdom Of Saudi Arabia, Germany, Canada, Taiwan at Qatar.

BASAHIN  Flood control program ng Marikina, pinuri ni Marcos

Ang mga Malabueño na naghahanap ng trabaho ay maaaring mag-aplay para sa mga trabaho sa nasabing mga bansa bilang mga Nurse, Kitchen Staff, Salesmen, Production Sewing Machine Operators, Restaurant Managers, Bartenders, Supervisor, Teachers, Technicians, at Construction Workers, Cooks, Welder, Waiters at Waitresses, at iba pa.

Idinagdag pa ng PESO head na karamihan sa mga inaalok na trabaho ay “blue collar job,” na nangangahulugang kahit sino ay maaaring mag-apply at hindi lamang ang mga may supervisory-level na karanasan sa trabaho.

Mayroon ding mga lokal na kumpanya na nagbukas ng mga pagkakataon para sa mga aplikanteng naghahanap ng trabaho bilang Chemical Engineers, Mechanical Engineers, Accountant, Clerk, Messenger, Welder, Carpenter, Mason Machine Operators, Fork Lift Operators, Baggers, Promodisers, Packers, Delivery Helpers, Production Workers, at iba pa.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Martin Romualdez inihalal muli bilang House speaker

DAHIL walang lumaban, awtomatikong panalo na si Congressman Martin Romuladez ng Unang Distrito ng Leyte bilang Speaker of the House of Representatives sa isinagawang...