Bea Alonzo kinumpirma na sila na ni Vincent Co

Share

KINUMPIRMA na rin sa wakas ng aktres na si Bea Alonzo ang bulung-bulungan: nobyo na nga niya si Vincent Co na presidente ng Puregold Price Club.

Sinabi ito ng aktres nang dumalo sila sa GMA Gala sa Marriott Hotel, at sa panayam ng GMA News, sinabi niya na, ‘Opo, boyfriend kop o siya. Pero gusto ko na maging pribado ang mga bagay-bagay.”

“Palagay ko naman na halatang-halata na dahil lagi kaming magkasamam at masaya po ako. ‘Yan lang po muna ang masasabi ko sa inyo,” dagdag pa ni Alonzo.

Nang tinanong kung bakit ngayon lang niya opisyal na sinabi, binanggit ng aktres na nais niyang maging tahimik muna kaugnay sa kaniyang personal na buhay.

BASAHIN  ‘Tahanang Pinakamasaya,’ hindi na masaya; 130 kawani mawawalan ng trabaho

Nais niya rin umanong igalang si Vincent lalo pa;t hindi ito mula sa showbiz.

“Naiintindihan ko po ang pananabik ng marami tungkol sa kumpirmasyon,” sabi ni Bea, “pero tingin ko ang mga magagandang bagay ay dapat na nasa kalagayang pribado.”

Huling naging karelasyon ni Alonzo ang aktor na si Dominique Roque kung saan umabot na sa engagement ang kanilang relasyon at patungo na sa kasalan ngunit ikinagulat na lang ng kanilang mga taga-suporta at ng showbiz world mismo na bigla na lang silang naghiwalay.

Nakikipag-date na ngayon si Roque sa aktres na Ilongga na si Sue Ramirez.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Ilang jeep sa Marikina City pinili na mamasada sa kabila ng transport strike

PANGALAWANG araw na ng isinasagawang week-long strike ng mga tsuper ng jeep ngunit mayroon pa rin na mangilan-ngilan ang pinili na bumiyahe partikular na...