HomeEntertainment1M ‘DDS’ supporters nag-unfollow...

1M ‘DDS’ supporters nag-unfollow kay Vice Ganda

LABING SIYAM na milyong followers na lang mayroon ngayon si Vice Ganda matapos mag-unfollow ang pinaniniwalaang isang milyon na DDS supporters dahil sa ginawa nitong “pulutan” si dating pangulong Rodrigo Duterte sa katatapos na Super Divas concert kasama si Regine Velasquez sa Araneta Coliseum nito lamang Agosto 8 at 9, 2025.

Sa kumakalat na kontrobersyal online video, mapapansin na habang kumakanta si Velasquez ay bigla itong napahinto nang lumitaw sa entablado si Vice Ganda at nagsasalita habang may kasunod itong ilang mga tao na may bitbit na karatulang ‘Jetski Holiday, avail now!’

“Nothing beats a jet ski holiday. Ride now from Manila to West Philippine Sea via jetski. Get unlimited water bombing from Chinese vessels and free trip to The Hague by the ICC. Promo applies to DDS only. Pinklawans and BBMs are prohibited. Huwag niyo akong subukan! Mga p*tangi** ‘nyo!,” ang sabi ni Vice Ganda.

BASAHIN  Comedian Joey Paras, pumanaw na; mga artistang senador, tutulong kaya?

Ayon sa ilang mga kritiko, lumampas na anila si Vice Ganda sa “hangganan” nang magbiro ito sa noo’y hinahangaan ng komedyante at nagiging viral video ang mga interview sa dating pangulo.

Ipinagtanggol naman ng ilang mga taga-suporta si Jose Marie Borja Viceral sa tunay na buhay at sinabing natural na sa isang komedyante ang magbitaw ng mga pananalitang nakakatawa sa mga tagapanuod.

Umapela rin ang ilang DDS supporters sa mga opisyales ng Davao City na ideklarang persona non grata si Vcie Ganda dahil sa ginawa nitong katatawanan ang dating pangulo na ngayon ay nakakulong sa The Hague sa bansang Netherlands.

BALITANG NASYUNAL

spot_img

METRO MANILA

BALITANG PROBINSYA

POLICE REPORT

IBA PANG MGA BALITA