HINDI pa tapos ang laban!
Ito marahil ang nais na iparating na mensahe ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE), producer ng “Eat Bulaga” sa kanilang inilalabang trademark at copyright issues kina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.
Ito’y kahit na-tsugi na ang noontime show ng TAPE sa GMA7 na “Tahanang Pinakamasaya” nitong Marso 8.
Matatandaang may pending na petisyon ang TAPE sa Court of Appeals (CA) at apela sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) dahil sa copyright at trademark issues ng “Eat Bulaga.”
Nanalo sa parehong kaso ang TVJ sa Marikina Regional Trial Court at IPOPHL. Kinatigan ng dalawang ahensya na si De Leon ang nakaisip at may-ari ng trademark na “Eat Bulaga”.
Hindi pa nag-e-exist ang TAPE nang naisip ni De Leon ang nabanggit na titulo.
“IPO and Court of Appeals cases will proceed,” ayon kay Maggie Abraham-Garduque, TAPE’s legal counsel.
“Despite our best efforts to save the show, both parties have reached a mutual agreement to finally call off the show. To the loyal viewers. esteemed hosts, supportive advertisers, hardworking crew and dedicated employees who have been with us from the very beginning–from the longest running noontime show ‘Eat Bulaga’ to the present ‘Tahanang Pinakamasaya’–our sincerest ‘Thank you!’ and optimistic ‘See you again!’” ayon pa sa TAPE.
Ayon sa ilang observers, walang binanggit ang TAPE kung kailan nito babayaran ang ilang buwang sweldo na pagkakautang sa mga artista, talents, technical at production staff na umuwing luhaan nitong Marso 8.
Bukas ang BraboNews sa paliwanag ng TAPE.