Sarah Lahbati, pamilya, naaksidente sa Skyway

Share

Nasangkot sa car crash ang sasakyan ni Sarah Lahbati, kasama ang kanyang
pamilya sa Skyway kahapon.

Hindi na nagbigay ng anomang detalye si Sarah, bukod sa tatlong kotse ang
sangkot sa aksidente.

“We were involved in an accident on the skyway. Fortunately, all three cars
involved avoided any casualties, and we are all okay,” pagtiyak niya.

“Today, we were given a second chance. Just when you think everything you
worry about should be the center of the world, you’re reminded of God’s lessons, promises, and the bigger picture. All you have to do is take a step back and let Him guide you,” ayon kay Sarah sa kanyang social media account.

Tungkol sa hiwalayang Sara-Richard, nanatiling tikom ang bibig niya.
Marami ang nakapapansin kay Sarah na nasa iba’t-ibang event, kasama ang
kanyang dalawang anak at parents.

May pasaring si Sarah sa kanyang isang post, “Saying less is incredibly helpful.

BASAHIN  Vietnam, palalakasin ang pagkikipag-kalakalan sa PH

Not every thought is valuable, not every feeling needs to be voiced… Ego rushes
and reacts, but peace moves purposefully and gently.”

Sasaguting kaya ito ng kanyang biyanang si Annabelle Rama?

Matatandaan na noong isang taon, inaway diumano ni Sarah ang mag-asawang
Manny at Jinky Pacquiao, at hindi raw maganda ang sinabi niya. Ipinagtanggol
daw ni Annabelle ang mag-asawang Pacquiao. Pero inuusisa niya kung bakit.
Hindi naman daw sumasagot sa mga text niya ang manugang.

“This time lumambot ang puso ko sa kanya, dahil nanay rin siya at may mga anak
rin at alam nya na tama ang ginagawa ko sa pagkampi ko sa anak ko, kaya n’ya
ako naintindihan,” saad ni Annabelle.

Sa kanyang nakaraang post, may tinawag itong “Devil Woman. Aniya pa,
“makamandag, manipulative, BEST LIAR!”

Sino kaya ang tinutukoy ni Annabelle?

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Davao Oro jail inmates get P400K worth of bakery equipment

BAKERY EQUIPMENT. Persons deprived of liberty (PDLs) locked up at the Montevista District Jail (MDJ) in Davao de Oro are given a livelihood opportunity...