Janno Gibbs, pamilya, nagpapasarap sa Japan? Hindi raw nagluluksa?

Share

NAG-POST si Janno Gibbs sa Instagram nitong Disyembre 31, habang nagbabakasyon
siya at kanyang pamilya sa Japan.


“Happy New Year from The Gibbs and our extended fam,” ito ang caption ni Janno sa
larawang kasama ng kanyang post.


Ayon sa netizen, “Your father just passed away”.


Sagot ni Janno, “I know. And…”


Marahil, kaya pinuna ng netizen ang bakasyon ni Janno, Bing Loyzaga at iba pang
kapamilya ay dahil wala pang 40 days nang namatay ang ama niyang si Ronaldo
Valdez nitong Disyembre 17. At para sa mga Kristiyano, panahon pa rin ito nang
pagluluksa, hindi pagsasaya.


Tila raw hindi niya nadarama na nagluluksa ang pamilya ni Janno sa pagkamatay ng
ama nito, ayon pa sa netizen.

BASAHIN  Lugar para sa ICT, kailangan na sa subdibisyon, atbp.


Tumugon si Janno, “Sadness does not seem to exist… not judging maybe behind each
posts you’re all still crying inside.”


Sa kanyang paghingi ng pasensya, sinabi ng netizen, “I truly apologize. Shame on me
for my comments. I just lost my mother and you are all very right. I was wrong and we
all grieve differently.”

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

37 senior citizens sa Caloocan City, tumanggap ng livelihood package

Aabot sa 37 senior citizens sa Caloocan City ang napagkalooban ng livelihood package mula sa Office for Senior Citizens Affairs (OSCA), Department of Labor...