6 magkakasabwat sa droga, nalambat sa Cainta

NALAMBAT ang anim na magkakasabwat sa bentahan ng illegal na droga matapos ang  isinagawang buy-bust operation ng Cainta Municipal Police Station at makuhanan ng aabot sa ₱40,000 halaga ng shabu, Martes ng madaling araw Brgy. San Andres, Cainta, Rizal.

Nakilala ang mga suspek na sina alyas Isko, 54-anyos, driver, residente ng Pasig City, Liza, 48-anyos, Chris, 27-anyos, mekaniko, Clark, 28-anyos, delivery boy, Rodrigo, 29-anyos, construction worker, at alyas Jerome, 24-anyos, taga-Pasig City.

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Pol. Col. Felipe Maraggun, Director ng Rizal Police Provincial Office (RPPO), nakipagtransaksyon ang isang pulis na umaktong buyer at naganap ang palitan ng droga na kung saan naka monitor nag Cainta Police.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang siyam na pakete ng hinihinalang shabu na  may bigat na anim na gramo at tinatayang nasa ₱40,800.00 ang halaga.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Cainta custodial facility  at dinala ang mga nakumpiskang droga sa Provincial Forensic Unit para sa laboratory examination habang kinasuhan ang anim na katao sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...