Mapanlinlang na social media selling, imbistigahan – Estrada

0

SINABI ni Sen. Jinggoy Estrada kahapon na dapat imbestigahan ng Senado ang
nakababahalang pagdami ng peke at mapanlinlang na online endorsements ng
ilang celebrities, sa harap ng pagbebenta ng mga hindi rehistradong pagkain,
gamot, food supplements, at iba pa.


Nag-file si Estrada ng Senate Resolution 666 na naglalayong imbestigahan ang
lumalalang problema at panganib sa buhay ng mga tumatangkilik nito, bukod pa sa
scams o panloloko.


Binanggit din niya ang paglobo ng bilang ng mga pekeng social media accounts at
pages, na nagpo-promote ng hindi rehistradong produkto na gumagarantiya sa
paggaling ng iba’t ibang sakit at pagbuti sa kalusugan, gamit ang mga larawan ng
ilang sikat na celebrities.


“Nililito ng mga advertisement na ito ang mga konsyumer na napaniniwala sila na
ginagamit ng celebrities na ito ang mga produkto, kahit hindi naman, kahit ang mga
ito ay hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA),” saad ni Estrada.


Binanggit ng senador ang diumano’y product endorsements nina Dr. Willie Ong,
internist at cardiologist tungkol sa isang “miracle food”, ganon din kay Dr. Tony
Leachon, na ang pangalan at larawan ay ginamit para mag-endorse ng isang
produkto na diumano’y nakapagpapagaling sa diabetes.


“Apurahan na ang pagkilos para protektahan ang ating konsyumers laban sa
paggamit o pag-inom ng mga hindi rehistradong produkto na maaaring
magsapanganib ng kalusugan. Kailangan ang mahigpit na pagpaptupad ng mga
probisyon ng Consumer Act at ang agarang pagre-regulate ng advertsements sa
social media,” pagwawakas ni Estrada.

About Author

Show comments

Exit mobile version