Labi ng isang caregiver sa Cainta Rizal, pilit na isiniksik sa plastic drum

0
Kinilala ang biktima na si Maribel Bacsal. alias Belma, 42-anyos at residente ng Brgy. Sto. Niño, Cainta, Rizal.

PATULOY ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa kahindik-hindik na sinapit ng isang ginang na natagpuang naaagnas na sa isang plastic drum sa Brookside Subdivision, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal Lunes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Maribel Bacsal. alias Belma, 42-anyos at residente ng Brgy. Sto. Niño, Cainta, Rizal.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Cainta Municipal Police Station, limang araw nang pinaghahanap ng mga kaanak ang biktima.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay isang stay-out caregiver ng mag-asawang senior citizen, at huling nakitang buhay nang umalis ito sa kanilang bahay, Huwebes ng umaga, Hunyo 29.

Sinabi naman ng mga kamag-anak ng biktima na hindi na ito nakauwi mula nang umalis para mag-trabaho.

Bago nadiskumbre ang naaagnas na bangkay, nakatanggap ng impormasyon ang Brgy. San Isidro Annex Sattelite 4 na nakakaamoy na di-umano ng masangsang na amoy ang mga kapitbahay mula sa nabanggit na adres ng mag-asawa.

Kaagad na rumesponde ang mga barangay tanod at nadiskubre ang inuuod na labi ng biktima sa plastic drum na nasa likuran ng bahay.

Batay sa pag-iimbestiga ng mga otoridad, lumalabas na pinatay ng suspek ang biktima sa hindi pa malamang dahilan kung kaya’t kinailangan pa nitong itago ang katawan sa drum na kinilala kalaunan ng mga kaanak ng biktima.

Ang 80-anyos na suspek ay kinilala na si Cristina Duncan, alias Cristina Tan, at kaagad na inaresto sa kasong obstruction of justice dahil sa paglihim ng ebidensya kaugnay sa nasabing insidente.

Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up operation ang Cainta Police para sa ikaaaresto ng iba pang suspek.

About Author

Show comments

Exit mobile version