Nakapagtala ang Department of Health ng limang amputation cases dahil sa fireworks injuries mula nitong December 25 hanggang 26.
Batay sa pinakahuling surveillance report ng kagawaran, naputulan ng daliri at kamay ang mga biktima, kung saan kabilang dito ang tatlong menor de edad at dalawang adult, na pawang mga lalaki.
Pangunahing sanhi ng nito ang paggamit ng whistle bombs, “boga,” “plapla,” “five-star,” at “Goodbye Philippines.”
Kabilang ang naitalang amputation cases sa 24 na bagong kaso ng fireworks-related injuries, kung saan edad lima hanggang 52 ang mga biktima.
Sa ngayon ay umabot na sa 52 ang kabuuang bilang ng fireworks-related injuries sa bansa.
Related Posts:
Mga walang trabaho, Nabawasan
Mga nagawa ni Frasco, hindi naapektuhan ng DOT video – Angara
Marcos, lumipad kahapon pa-Australia
17,500 na ofws, pwede nang umuwi mula lebanon;pagkakaligtas ng ofw sa hamas, tila eksena sa pelikula
Pinoys na naiipit sa Gaza, nahihirapang tumakas
Angel locsin, Missing in action?
Aksyon ng Red Cross laban sa climate change
Bilang ng nabubuntis bago at pagkatapos ng pandemya, bumaba
About Author
Show
comments