Maagang pinauwi ngayong araw ang mga empleyado ng senado
Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug, nakasaad na utos ni Senate President Juan Miguel Zubiri na hanggang alas-2:00 ng hapon lang ang pasok ng mga Senate employee.
Pinauwi nang maaga ang mga empleyado para maiwasan na mahirapang makauwi o ma-traffic ang mga ito sa gitna ng Traslacion 2024.
Samantala, hindi naman kasama sa maagang pinauwi ang mga tauhan ng Senate Sargeant at Arms at Maintenance and General Services Bureau dahil may shifting schedule ang mga ito.
Related Posts:
About Author
Show
comments