33.4 C
Manila
Friday, January 24, 2025

San Juan Mayor hinamon ang nagpakalat ng ‘ayuda scam’

HINAMON ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang pasaway na umano’y San Juaneño na nagpakalat na may nagaganap na ‘ayuda scam’ mula sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) emergency employment program.

Ito ay kaugnay sa napanood niya na video na ipinalabas sa Senado at nakita rin na may dumulog sa tanggapan ni Senador Raffy Tulfo tungkol sa diumano’y pagkaltas sa benepisyo mula sa TUPAD.

“Kung totoo po ito, inaanyayahan ko po ang San Juaneño na nasa video na kung maaari ay pumunta sa aking tanggapan upang doon idulog ang kanyang reklamo,” ayon kay Zamora.

Sakaling humarap ang biktima ay titiyakin ni Zamora na may isang taga-PNP o NBI, DSWD at DOLE na kaharap para maging kampante ang kanyang kalooban at papakinggan naman at  agarang paiimbestigahan ang insidente.

Tinitiyak ni Zamora na bibigyan ng agarang pansin at aksyon ang mga  pangyayari at hindi kukunsintihin.

“Narinig ko din po na nabanggit ang tanggapan ng Mayor ng San Juan sa usapin na ito. Nakakalungkot na madali para sa ilan na magbintang ng walang patunay o basehan maliban sa sabi-sabi o hearsay. Malinis po ang aking konsensya at lalong bukas ang aking tanggapan na sagutin ang anumang isyu na ibinabato sa akin sa ngalan ng tunay na paglilingkod o ng dahil lamang sa politika,” ayon kay Zamora.

BASAHIN  Clemency para sa OFW na nasa death row sa Indonesia, hiniling

Samantala, itinanggi naman ni Zamora ang mga elegasyon ni Sen. JV Ejercito na may “kickback” sila mula sa government cash aid.

Una nang isiniwalat ni Ejercito sa kanyang privilege speech na magkasabwat si Zamora at isang konsehal sa pagkuha ng kickback mula sa social welfare subsidies at bilang patunay ay isang residente na taga-Barangay Balong-bato ang nagsabi na nilapitan umano siya ng staff ni Councilor Paul Artadi na sinabing sa ₱7,500 na tulomg mula sa TUPAD ay ₱1,000 lamang ang makukuha.

 Todo tanggi si Zamora sa ikinalat na video.

”Sino ho ba yung mga nasa video? Ba’t hindi ho sila pumunta rito kung talaga bang merong nangyaring bigayan ng pera o kickback…Andali-dali magsabi ng ganong paratang…Ano ba ang ebidensiya na meron sila na tumanggap si mayor ng ₱6,500,” ayon kay Zamora.

BASAHIN  Transgender timbog sa ‘sextortion’ sa QC 

Giit pa ni Zamora na walang kinalaman ang LGU sa pamamahagi ng ayuda ng TUPAD dahil ito ay programa ng Department of Labor and Employment (DOLE).

“Ang aming tungkulin lang ay maglista ng mga benepisyaryo, siguraduhin na sila ay kuwalipikado at tulungan sila na magkaroon ng DOLE ID, TUPAD ID,” ayon pa kay Zamora.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA