33.4 C
Manila
Tuesday, January 21, 2025

Pagbabago ng konstitusyon, malalimang pag-aaral ang dapat—Carlos

NANINIWALA si Political Science professor Clarita Carlos na isang malaking puntos ang pagbabago ng konstitusyon ng bansa kaya naman hinihikayat niya ang mga mambabatas na pag-aralang maigi dahil malalimang pagbubusisi ang nararapat sa pagbabago ng 1987 Constitution.

Sa naganap na “The Agenda” media forum na ginanap sa Club Filipino, San Juan City kamakailan, sinabi ni Carlos na hindi basta-basta lamang hahatiin ang konstitusyon sa isang upuan dahil marami aniyang maaapektuhan kapag mayroong nagalaw o nagbago sa pag-aayos nito.

“It must be an organized framework. If you touch one, you must touch them all. Realistically, if you change the economic provisions it can be blocked by political forces. That’s very realistic assumption,” paliwanag pa ni Carlos.

Tinitiyak ni Carlos na maging ang mga nagnanais na rebisahin ang konstitusyon ay may hangarin din sa magiging resulta ng pagbabago.

BASAHIN  De Lima kabado sa PI ng Kongreso

“I’m okay with the economic provisions if we prioritize it, meaning there is ordinality. But if that’s you’re going to outline, then that’s all, we will have an error in judgement,” paliwanag pa ni Carlos.

Nilinaw ng political analyst na walang anumang sagot o kalutasan para sa economic growth na biglang magpapaangat ng kabuhayan ng mga Pilipino.

Dagdag pa ni Carlos: “Hindi nila hawak ang patakbuhin ang buhay ng maralita, ang kailangang gawin ay baguhin ang kanilang pananaw sa buhay at alamin ang isyu  ng kahirapan.”

Sinabi pa ni Carlos na maraming dokumento ang nairekomenda na sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa pagbabago subalit ang kailangang katanungan ay kung ano ang maitutulong at magagawa  ng foreign direct investments o may magagawa pa ba sakaling mabago na ang Saligang Batas.

BASAHIN  Halos 7 milyong misis, nais nang makalaya

Mahalaga umano ang strategic communications para mailabas mo at maipakita kung ano ang iyong nais na iparating at hindi ang paikut-ikutin ang Saligang Batas na sa bandang huli ay kawawa pa rin ang maralitang Pilipino.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA