NALAMBAT ng mga tauhan ng Rizal Police Provincial Office (RPPO) ang tatlo katao na kabilang sa listahan ng Most Wanted Persons ang nasakote ng Binangonan at Taytay Municipal Police Station sa ikinasang police ops kamakalawa.
Sa report mula sa tanggapan ni RPPO Director PCol. Felipe Maraggun, matagumpay ang paghahain ng warrant of arrest at naaresto ang tatlong wanted na nagtago sa batas.
Unang naaresto si Alyas Glynda, 28-anyos, residente sa Brgy. San Juan Taytay, Rizal na kinilala bilang Provincial Level Most Wanted Person sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at may inirekomendang piyansa na ₱220,000.00 para sa kanyang pansantalang kalayaan.
Dalawang akusado naman ang naaresto ng Binangonan MPS, at ito ay sina Alyas Janeth, 50-anyos, nakatira sa Brgy. Bilibiran Binangonan, Rizal at Alyas Enrique, construction worker at residente ng Brgy. Batingan, Binangonan, Rizal.
Si Janeth ay nakatala bilang Ranked No. 6 Regional Level Most Wanted Person sa kasong Kidnapping with Homicide habang si Enrique naman ay listed bilang Regional Level Most Wanted Person sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Kasalukuyang nakakulong ang tatlong akusado sa Custodial Facility para sa tamang disposisyon at dokumentasyon.
Sinabi naman ni Col. Maraggun na patuloy ang kanilang adhikain na mahuli ang mga taong nagtatago sa batas.Â
“Mas paiigtingin pa natin ang kampanya laban sa lahat ng uri ng kriminalidad, gayundin ang mga taong may standing warrant of arrest upang mahuli at maibigay ang hustisya ng tapat. Ang pagtutulungan ng bawat isa ay isa parin sa pinaka epektibong paraan upang magkaraoon tayo ng isang payapa at maayos na bayan,” ayon kay Col. Maraggun.