Winakasan na ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang deklarasyon ng gastroenteritis outbreak sa lungsod, na nakaapekto sa mahigit 3,000 indibidwal.
Ayon sa alkalde, ligtas nang inumin ang tubig mula sa water district.
Gayunman, binalaan nito ang publiko kaugnay sa pag-inom ng tubig mula sa ibang water sources.
Samantala, sinabi pa ng alkalde na iniimbestigahan na ng mga otoridad ang water delivery services bilang posibleng sanhi ng outbreak.
Matatandaang noong Enero 10Â nang ideklara ni Mayor Magalong ang outbreak ng acute gastroenteritis sa Baguio City, matapos makaranas ng pagsusuka, pananakit ng tiyan, at diarrhea ang ilang residente at mga turista.