Search, retrieval sa Maco landslide, itinigil na

Share

INIANUSYO ng lokal na pamahalaan ng Maco, Davao de Oro na inihinto na nila ang search and retrieval operations sa naganap na landslide sa Barangay Masara.

Ito ay matapos mai-report ng mga awtoridad na wala nang narekober na mga bangkay mula sa landslide.

Sinabi ni Jiesyl May Tan, Mawab Municipal Information Officer, nakadepende pa rin umano ito sa magiging rekomendasyon ng ng Incident Management Team leaders dahil mayroon pa ring walong indibidwal na nawawala.

Aniya pa, sisikapin ng search, rescue, and retrieval team na alisin ang lupa at batong gumuho sa bahagi ng Barangay Masara sa lalong madaling panahon.

May posibilidad daw na ang walong nawawala ay kabilang sa 14 na hindi nakilalang katawan at body parts na narekober na team.

BASAHIN  28 na ang Nasawi, 89 nawawala pa sa Davao landslide

Iniulat kamakailan ni Tan na umabot na sa 93 ang mga bangkay na kanilang narekober sa landslide, kung saan 79 sa mga ito ay nai-turn over na sa kani-kanilang pamilya.

Ayon sa pinakahuling report, aabot na sa mahigit 100 bangkay ang narekober ng mga awtoridad mula sa lugar ng landslide.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

COMELEC, Kakasuhan ang mga Guro, Pulis na hindi naglingkod sa BSKE

NANGAKO ang Commission on Elections (Comelec) na kakasuhan nila ang libo-libong guro atpulis na pulis na biglaang umatras sa election duty nitong Oktubre 30. Dahil...