Winakasan na ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang deklarasyon ng gastroenteritis outbreak sa lungsod, na nakaapekto sa mahigit 3,000 indibidwal.
Ayon sa alkalde, ligtas nang inumin ang tubig mula sa water district.
Gayunman, binalaan nito ang publiko kaugnay sa pag-inom ng tubig mula sa ibang water sources.
Samantala, sinabi pa ng alkalde na iniimbestigahan na ng mga otoridad ang water delivery services bilang posibleng sanhi ng outbreak.
Matatandaang noong Enero 10 nang ideklara ni Mayor Magalong ang outbreak ng acute gastroenteritis sa Baguio City, matapos makaranas ng pagsusuka, pananakit ng tiyan, at diarrhea ang ilang residente at mga turista.
Related Posts:
Mayor Vico handa na sa ‘The Big One;’ Pasig at Cagayan Valley magtutulungan
72 katao nalunod sa loob ng mahabang bakasyon
Court of Appeals: Copper mining sa South Cotabato pinahihintulutan na
Manyak na Indian national nalambat sa Rizal
6 magkakasabwat sa droga, nalambat sa Cainta
Mayor Degamo: ‘Ang kulungan ay para sa lahat’
Labi ng isang caregiver sa Cainta Rizal, pilit na isiniksik sa plastic drum
3 tulak ng droga arestado sa Rizal
About Author
Show
comments