NANGUNA ang incumbent governor ng Maguindanao del Sur na si Bai Mariam Sangki-Mangudadatu sa isinagawang survey kamakailan sa lalawigan.
Sa nasabing survey na isinagawa ng Bangsamoro Poll Survey, nakakuha si Gov. Mariam ng 91.4% voter preference laban sa kaniyang mahigpit na katunggali sa pagka-gobernador na si Talayan Mayor Ali Midtimbang na nakakuha lamang ng walong porsyento.
Ang nasabing surbey ay isinagawa mula Abril 17 hanggang 22, 2025 kung saan lamang siya kasama ang Team Agila na kaniyang pinamumunuan sa kabila ng nararanasan nila umanong political harassment.
Si Sangki-Mangudadatu ang kauna-unahang babaeng gobernador sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), at kasalukuyang namumuno sa lalawigan ng Maguindanao del Sur.
Batay din sa parehong survey, 90% ng mga respondent ang nagsabing sila ay kuntento sa kanyang pamumuno, partikular na sa mga serbisyong may kinalaman sa kalusugan, seguridad, at kaunlarang lokal.
Si Gob Mariam ay kinakitaan din ng tiwala ng mga mamayan ng Maguindanao del Sur sa kabila nang magka-alyado sina Midtimbang at Esmael “Toto” Mangudadatu ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP).
Sina Ali at Toto ay nasa listahan ng Commission on Elections (Comelec) na sangkot di-umano sa vote-buying activities bagama’t pareho itong itinanggi ng dalawa.
Wala pang pahayag ang kampo ni Mayor Midtimbang ukol sa resulta ng nasabing survey.