8 bagong Bangsamoro towns lilikhain sa Cotabato

0

WALONG bagong munisipyo ang itatatag sa loob ng Lalawigan ng Cotabato (LC), na
kinabibilangan ng 63 Bangsamoro barangays.

Ito ay kinumpirma kamakailan ng dalawang miyembro ng parliament ng Bangsamoro
Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na sina Kadil Sinolinding Jr. at
Kellie Antao.

Ang LC ay nasa ilalim ng Administrative Region XII, pero mayroon itong 63 barangays –
na karamiha’y Muslim ang residente – na isinama noong 2019 plebisito sa nilikhang
BARMM.

Ayon kay Sinolinding, isang doktor, nakatitiyak siya na mabibigyan ng BARMM Health
Ministry ng health facilities ang walong bagong munisipyo na papangalanang:
Pahamuddin, Kadayangan, Nabalawag, Old Kaabakan, Kapalawan, Malidegao,
Tugunan, at Ligawasan.

Kapag tuluyang nang naipatupad ang panukala, inaasahan ang paglago ng negosyo at
kalakalan, pati na pagbubukas ng maraming trabaho dahil sa inaasahang mga bagong
imbestor.

Ayon kay Midsayap, Cotabato Mayor Rolly Sacdalan, ilan daw sa mga walong bayan
ay makikita sa 220,000-hectare Liguasan Delta na diumano ay naglalaman ng isa sa
pinakamalaking deposito ng natural gas sa buong Asya.

Sinabi ni Cotabato Governor Emmylou Mendoza noong Sabado na susuportahan niya
ang paglikha na walong munisipalidad sa kanyang lalawigan.

About Author

Show comments

Exit mobile version