Bilyonaryo na: Mga kooperatiba sa Iloilo

0

UMABOT sa halos P6 na bilyon ang assets ng 245 na kooperatiba sa Lungsod ng Iloilo at sa buong
lalawigan.


Ito ang ibinalita ni Atty. Arturo C. Cangrejo, Iloilo Provincial Cooperative Development Officer, sa
isang interview kamakailan.


Ayon kay Cangrejo , sa kabuuang bilang na 245, 10 ang bagong rehistro at 235 na ang na-isyuhan ng Cooperative Development Authority (CDA) ng certificates of compliance nitong Disyembre 2022.


“Facts and figures would show that we have a strong and resilient cooperative movement here in
Iloilo,” dagdag pa niya.


Matatag daw ang kalagayang pinansyal ng Iloilo Provincial Employees and Community Multi-
Purpose Cooperative (IPECMPC) – na kung saan siya ay miyembro ng board – dahil umabot sa
P180 milyon ang assets nito.


Ang cooperativism daw ay isang mahusay na instrumento para ma-empower ang mga tao, at
maisulong ang pagtitipid at pag-iimpok, pagwawakas ni Cangrejo.

About Author

Show comments

Exit mobile version