15 nalambat sa 24-oras drug ops sa Rizal

NASA 15 drug personalities ang nalambat ng mga tauhan ng Rizal PNP sa ikinasang magdamagang 24-oras Anti-Illegal Drug Operations na ginawa sa mga bayan ng Rizal, kagabi.

Sa pamumuno ni Police Colonel Felipe B Maraggun, Provincial Director, humigit kumulang na 32.06 gramo ng shabu ang nakumpiska na may standard drug price na P218,008.00.

Sinabi ni Maraggun na naging matagumpay ang kanilang Anti-Illigal Drug Operations dahil sa tulong na rin ng mga nagmamalasakit na mamamayan  at mga aktibong kapulisan ng Rizal na regular na nagpapatrulya.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kanya-kanyang operating units habang ang mga ebidensiya ay dinala sa Forensic Unit para sa examinations.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act 2002 ang mga naarestong suspek.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...