3 bata nasagip sa malupit na kamag-anak

DINALA na sa Bahay-Kalinga ang tatlong bata na nailigtas sa kamay ng kanyang malulupit na kamag-anak matapos sugurin ng mga tauhan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang kinalalagyan ng mga biktima sa Angono, Rizal.

Nag-ugat ang pagsagip sa mga bata nang makatanggap ng impormasyon si Angono Mayor Jeri Mae Calderon,  na mayroong umanong ikinulong na tatlong bata na labis na pinagmamalupitan ng kamag-anak na nakatira sa Barangay Kalayaan.

Agad na pinasilip ng alkalde ang lugar at nakumpirma na may tatlong batang ikinulong at pinahihirapan ng mga kaanak.

Nagtungo ang mga tauhan ng MSWDO sa bahay at positibong na saksihan ang pagmamalupit sa tatlong batang nasa edad anim pababa lamang at agad na isinalba  alinsunod sa Republic Act 7160 na mas kilala sa tawag na Anti-Child Abuse Law.

Sa pagsusuri ng medico legal, lumalabas na nagtamo ng multiple hematoma ang mga biktima.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso ng municipal social workers laban sa mga kaanak ng mga biktima

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...