Hinirang na Best Actor ang baguhang artista na si Cedrick Juan dahil sa kanyang mahusay na pagganap bilang Padre Jose Burgos sa 2023 MMFF film na GomBurZa.
Pinataob ni Cedrick sina Alden Richards, sa pelikulang Family of Two; Piolo Pascual, Mallari; Dingdong Dantes, Rewind; Derek Ramsey, (K)ampon; at Christopher de Leon, When I Met You In Tokyo.
Bago pa ang awarding rites, napaiyak daw si Cedrick dahil napakalinaw daw ng mensahe ng GomBurZa [na nais niyang ipaabot hindi lamang sa fans kundi sa sambayanang Pilipino].
Nagwagi ng tatlong awards ang pelikulang Firefly sa Gabi ng Parangal sa Metro Manila Film Festival, pati na ang 1st Best Picture honor. ‘Wagi rin ito sa Best Screenplay (Angeli Atienza), at Best Child Performer (Euwenn Mikaell).
Ang Firefly ni direktor Zig Dulay, ang kaunaunahan niyang mainstream at MIFF movie; ito ay tumanggap ng pitong awards. Anim na awards naman ang nakopo ng GomBurZa, pati na rin Best Director (Pepe Diokno) at Best Actor (Cedrick Juan).
Ang iba pang nagwagi: Best Actress – Vilma Santos, sa pelikulang When I Met You In Tokyo; Best Supporting Actor, JC Santos, Mallari; Best Supporting Actress – Miles Ocampo, Family of Two; at Best Original Theme Song, Finggah Lickin mula sa Becky & Badette.
Ayon sa showbiz circles, ang pagkapanalo Cedrick Juan bilang best actor ay magbibigay- inspirasyon sa mga baguhang artista na paghusayin nila ang kanilang pagganap.