33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Pasko sa Quezon City, generally peaceful

Pangkalahatang naging mapayapa ang pagdiriwang ng Pasko sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Redrico Maranan, nasa 1,827 personnel mula sa District Headquarters at Police Stations ang kanilang idineploy upang bantayan ang mga kalsada, kalye at eskinita, gayundin sa mga matataong lugar tulad ng terminals, markets, malls, at ilang business establishments, maging ang simbahan.

Ibinahagi pa ng QCPD Director na wala silang naiulat na anumang major untoward incident sa pagdiriwang ng Pasko.

Katuwang ang local government units, church authorities, force multipliers, at ilang stakeholders maayos na naipatupad ang pagbabantay sa Simbang Gabi.

“The entire force of Team QCPD is always prompt in the implementation of its tactical and strategic deployment to ensure public safety throughout the observance of the season. I also reiterate to the people to remain watchful and on full alert to pre-empt illegal activities. Any suspicious persons or activity that may be observed must be reported immediately to proper authorities for appropriate action,”ayon kay PBGen. Maranan.

BASAHIN  Fingerprint ng mga kriminal, bistado na ng PNP gamit ang makabagong e-Booking system

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA