33.4 C
Manila
Wednesday, July 3, 2024

Pamaskong Handog ng Mandaluyong LGU, umarangkada na

Aabot sa 250,000 Noche Buena boxes ang ipinamahagi sa halos 27 barangay sa Mandaluyong City bilang bahagi ng Pamaskong Handog ng lokal na pamahalaan.

Pinangunahan ni Mayor Ben Abalos ang pamimigay ng noche buena boxes kasama sina Vice Mayor Menchie Abalos, gayundin ang mga konsehal sa kani-kanilang mga distrito, mga kapitan ng barangay, at maging sina Interior Secretary Benhur Abalos, Congressman Boyet Gonzales at Congressman JC Abalos.

Binigyang diin ng alkalde na layunin ng Pamaskong Handog na makapagbigay ng kasiyahan sa bawat pamilyang Mandaleño at mas maramdaman ang diwa ng Pasko.

Si Mayor Abalos mismo ang nagpasimula ng pamamahagi ng grocery items sa mga residente tuwing panahon ng Pasko nang siya ay unang naglingkod bilang alkalde ng lungsod noong 1987.

BASAHIN  36th Marikina Police Memorial Day ginunita
BASAHIN  Single ticketing system sa Mandaluyong City kasado na

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA