2 patay sa sunog sa Mandaluyong City

Share

Dalawa katao ang nasawi habang nasa 451 indibidwal ang nawalan ng tirahan kasunod ng sumiklab na sunog sa isang residential area sa Barangay Vergara, Mandaluyong City, noong Biyernes.

Sa ulat ng ng Bureau of Fire Protection-Mandaluyong, kabilang sa mga biktima ang isang 81-anyos na lola at anak nito na 54-anyos na lalaki.

Kapwa na-trap ang mag-ina sa nasusunog na bahay, na ikinasawi ng mga ito habang dinala naman sa pagamutan ang isang residente na nasugatan.

Aabot sa 100 pamilya ang naapektuhan na nananatili ngayon sa Isaac Lopez Integrated School at sa kalapit na covered court.

Nagsimula ang sunog bandang alas-11:13 ng gabi, na umabot sa ikalawang alarma at idineklarang fire out bandang alas-2:06 ng madaling araw ng Sabado.

BASAHIN  'Oplan paalala, Iwas paputok' ng BFP, umarangkada na

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga otoridad ang sanhi ng sunog.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Dagdag ₱2K insentibo para sa higit 1M DepEd personnel aprub na kay PBBM

MULA sa kasalukuyang ₱18,000, inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr ang karagdagang ₱2,000 dagdag insentibo para sa 1,011,800 pampublikong mga guro at mga...