33.4 C
Manila
Tuesday, January 21, 2025

Tiyakin, patuloy na suporta sa ofws sa israel – Tulfo

NAKIPAGPULONG kahapon sina Senador Raffy Tulfo at ilang mambabatas sa mga opisyal ng
Department of Foreign Affairs (DFA) para pag-usapan ang kasalukuyang mapanganib na
sitwasyon ng mga Pinoy sa Israel na nasa gitna ng giyera.


Kasama sa meeting ang mga opisyal ng DFA na sina Sec. Enrique Manalo, Usec. Eduardo de
Vega ng Migrant Workers Affairs, Usec. Maria Theresa Lazaro ng Bilateral Relations and
ASEAN Affairs. Kasama rin sina Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, 2D, Pampanga; party-list
Reps.: Marissa Magsino, OFW; Ron Salo, Kabayan; at France Castro, ACT Teachers.


Virtually, kabilang din sa nasabing meeting sina Ambassadors: Pedro Laylo Jr., Israel;
Raymond Balatbat, Lebanon; Wilfredo Santos, Jordan; Ezzedin Tago, Egypt; at John Reyes,
Charge’d’affaires, Syria.


“Patuloy pa din ang close monitoring sa mga Filipino community sa mga lugar na apektado ng
giyera kabilang na ang Israel, Gaza at West bank pati ang mga kalapit na bansa. May
contingency plan na din ang gobyerno sakaling mas lumala ang sitwasyon sa rehiyon,” ani
Tulfo.

BASAHIN  Passport, 5 araw na lang ang processing


May malaking bilang ng mga OFW, lalo na sa Gaza, na ang nagpahayag ng kanilang
kagustuhan na umuwi sa Pilipinas dahil sa digmaan.


“Gagawin ang lahat ng gobyerno (sa pakikipagtulungan ng OWWA at DMW) para masigurong
ligtas at maayos na makakabalik ang mga OFW dito sa Pilipinas. May mga ayuda ring ibibigay
para sa mga nakabalik na sa bansa at scholarship mula sa TESDA para sa kanilang mga anak,”
saad niya.


Dagdag pa ni Tulfo, Chair, Committee on Migrant Workers, na kaisa siya sa pagdarasal para sa
kaligtasan ng mga Pinoy na naipit sa digmaan Nangako siya na hindi titigil ang pamahalaan sa
pagbibigay tulong at suporta sa mga Pilipino sa Israel, Gaza Strip, at Lebanon.

BASAHIN  China ang intruder, hindi Pilipinas – DFA

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA