Umabot na sa 4,953 cases ng dengue ang naitala mula January hanggang September 2023 na kung saan dumoble ito kumpara sa 2,400 kaso ngayong taon sa Davao City.
Sa tala ng Health Office (CHO) ng Davao City Local government unit (LGU), ang Barangay Talomo Proper ang nakapagtala ng maraming kaso ng dengue na nasa 750 cases na kung saan isinisisi ng mga residente ang sirang drainage systems kaya naglabasan ang mga lamok.
Kasunod ang Barangay Buhangin, Bago Gallera at Talomo poblacion
Ayon kay Melodina Babante, head ng CHO-Tropical Division, kailangang malaman ng mga residente ang importansya ng paglilinis ng bakuran at alisin ang mga bagay na posibleng pamugaran ng mga lamok.
Matatandaang inaprubahan ang Executive Order (E.O) No. 25 series of 2023, na pirmado ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte, na pinag-iingat ang lahat laban sa dengue at bumuo ng dengue task force sa lahat ng barangay