Nasakote ng Pasig Police ang isang lalaki matapos magbenta ng shabu sa isang pulis na umaktong buyer ng illegal na droga sa ikinasang buy bust operation, kaninang madaling araw sa Pasig City.
Nakilala ang suspek sa alyas na “Benjie”, 20-anyos, ALS graduate at resident ng Brgy. San Joaquin, Pasig City ang kinasuhan ng paglabag sa R.A. No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon sa report ng Pasig City Police Station sa pamumuno ni PCol. Celerino Sacro, inaresto ang suspek bandang 2:00 Huwebes ng madaling araw matapos ang isinagawang buy bust operation para linisin at sugpuin ang illegal na droga sa Pasig.
Sa isinagawang joint operation ng mga tauhan ng Pasig CPS Station Drug Enforcement Unit at San Joaquin Police Sub-Station (SS4), nagsagawa ng buy bust sa kahabaan ng Elisco Road, Brgy. San Joaquin, Pasig City matapos magkasundo ang suspek at ang police poseur buyer na magkita at magkaliwaan.
At nang aktong tatanggapin na ang buy bust money ay doon na dinamba ang suspek.
Nakumpiska mula sa suspek ang aabot sa 90 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P10,800.00 at buy-bust money.
Dinala ang mga nakumpiskang droga sa EPD-Forensic Unit, Mandaluyong City para sa drug test at laboratory examination.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig custodial facility habang hinihintay ang pagdinig sa kaso