Sunog sa Manila Central Post Office, inumaga na

0

INUMAGA na ang pag-apula ng mga bumbero sa nasusunog na Manila Central Post Office, ayon sa
Bureau of Fire Protection (BFP).


“Maraming apoy pa at may mga baga pa, kasi yari sa kahoy ang post office – mga lumang kahoy na narra at molave so, mahirap po talagang apulahin yung (apoy sa) mga ganyang klaseng kahoy,” pahayag ni BFP-NCR Chief Supt. Nahum Tarroza.


Ayon sa ulat ng BFP, nagsimula ang sunog sa basement ng gusali bandang 11:41 p.m., Linggo. Pasado alas-4 ng madaling araw, Lunes nang naideklara ang “Task Force Alpha”, bago pa naideklara ang general alarm ng 5:54 a.m.


Pinakamaataas na alarma ang general alarm, dito, kailangang rumesponde ang lahat ng fire trucks sa buong Metro Manila at kanugnog-lugar kung walang sunog sa kani-kanilang nasasakupan.


Ang gusali ng Post Office ay kinikilala bilang isang national landmark, na itinayo noong 1926 na may matataas na columns sa sumasalamin sa tradisyunal na neoclassical style. Ito ay labis na nasira noong World War II at muling itinayo noong 1946.


Hindi raw magtatayo ng anumang gusali sa lugar, ayon sa pamahalaang lungsod ng Maynila.

About Author

Show comments

Exit mobile version