Pagbaha sa ilang bahagi ng Parañaque dapat isisi sa mga Villar

0
Nagtulong-tulong ang ilang residente na linisin ang baradong creek na sanhi ng mga pagbaha sa mga barangay ng Moonwalk at Don Bosco sa Parañaque City (screen grab)

“HINDI sa akin kundi sa real estate company ng mga Villar dapat isisi ng mga residente ang nangyayaring mga pagbaha sa Camella Classic Homes at Multinational Village.”

Ito ang tinuran ng negosyante at enhinyero na si Selwyn Lao sa mga akusasyon laban sa kaniya ng mga residente na nakatira malapit sa Baloc-Baloc Creek sa pagitan ng Barangay Don Bosco at Barangay Moonwalk sa nasabing lungsod.

Maaga kahapon, araw ng Linggo, nang magbayanihan ang mga residente ng nasabing mga barangay upang linisin ang nasabing creek upang umagos ang tubig na naka-tengga at nagiging dahilan ng mga pagbaha.

Nasaksihan din ng mga pulis ang pag-alis ng mga malalaking tipak ng bato na nasa ilalim lamang ng Wing-An Garden Resort na pagmamay-ari ni Lao.

Sa panayam ng BRABO News kay Lao, sinabi nito na legal niyang pagmamay-ari ang lote at na ang orihinal na creek ay ni-reclaim ng mga Villar na sakop na ngayon ng Camella Classic Homes.

“Ang tinutukoy nilang creek ay hindi ang tunay na creek dahil ang orihinal na creek ay binili ng dating Senate President Manny Villar at ginawa itong kalsada na nasa loob na ngayon ng nasabing subdivision,” saad ni Lao.

“Ginawa nilang (man-made) creek ang nabili kong lupa at ang orihinal na creek ay tinambakan nila para maging lote at kalsada ng Camella Classic Homes,” dagdag pa ng negosyante.

Ayon pa kay Lao, sinubukang ayusin ng noo’y alkalde at ngayo’y Congressman na si Edwin Olivarez ang nasabing isyu at ipina-survey ito.

“Kaya nalaman ni Olivarez na sa akin nga ang lote kasama ang creek. Ang problema, wala ring nagawang aksyon dahil sa kapangyarihan ng mga Villar,” giit ni Lao.  

About Author

Show comments

Exit mobile version