Sinipat at naka-monitor ngayon ang mga tauhan ng District Anti-Carnapping Unit (DACU) ng Northern Police para ma-monitor ang mga nagbebenta ng motorsiklo at mga gumawa ng proactive measures laban sa iligal na kalakalan ng mga second hand motor vehicle at motorcycle parts sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela(CaMaNaVa).
Ayon kay Northern Police District (NPD) Director PBGen. Rizalito Gapas, kailangang ma-monitor ang mga tindahan ng motorsiklo ipang malaman kung may nagaganap na illegal sa kanila o lumalabag sa Anti Fencing Law, alinsunod sa Presidential Decree 1612.
Binisita ng DACU ang lahat ng tindahan ng sasakyan at motorsiklo na nagbebenta at bumibili ng mga secondhand parts kasabay ng pah-inspeksyon sa anumang illegal activities at hinanapan ng kaukulang papeles kung sila ay sumusunod na naaayon sa batas.
Una nang nasimulang inspeksyunin ang ilang tindahan sa Caloocan at Valenzuela City at isusunod ang Malabon at Navotas.