Magtiyuhin magkasabwat sa pagbebenta ng shabu

Share

Nasakote ng mga tauhan ng Parañaque City Police  ang magtiyuhin matapos ang ikinasang buy bust operation at makuhanan ng P340,000 halaga ng shabu, kahapon ng umaga sa Barangay Don Bosco.

Sa report ng station drug enforcement unit (SDEU) Personnel ng Parañaque City Police Station, naaresto ang 39-anyos na alyas Julius at pamangkin na si alyas Juvilyn sa naganap na buy-bust operation sa Brgy Don Bosco Parañaque City, Miyerkules ng umaga.

Ayon kay PBGen. Mark D Pespes, Officer-in-Charge ng Southern Police District (SPD), nakumpiska sa mga suspek ang tinatatayang nasa 50 gramo ng shabu na nasa ₱340,000.00 ang halaga at buy-bust money.

BASAHIN  ₱118-K shabu, nasabat sa dalawang tulak sa Caloocan City

Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa  Southern Police District Forensic Unit (SPDFU) para sa quantitative and qualitative analysis.

Kinasuhan ang magtiyuhin ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at nakakulong sa Parañaque detention cell.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Programa ng tesda, hindi tugma sa job demand

PINUNA ni Senador Win Gatchalian ang hindi tugmang mga programa ng TESDA sa mgapinaka pinaka-in-demand na trabaho hanggang 2025. Ayon sa survey ng DoLE-Bureau of...