TESDA, DMW, DOLE at OWWA, nagkapit-bisig para sa expanded skills-to-employment pathways para sa returning OFWs

Share

ISANG Joint Memorandum Circular (JMC) ang nilagdaan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Migrant Workers (DMW), Department of Labor and Employment (DOLE) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang palawakin ang mga skills-to-employment pathways para sa returning overseas Filipino workers (OFWs).

Pinirmahan nina TESDA Director General Secretary Jose Francisco “Kiko” B. Benitez, DMW Secretary Hans Leo J. Cacdac, DOLE Secretary Francis “Tol” N. Tolentino, at OWWA Administrator Patricia Yvonne Caunan ang nasabing JMC sa DMW Central Office noong Lunes, Hulyo 20, 2026.

Layunin nitong isatuntunin (institutionalize) ang mas malawak na pagpapatupad (expanded rollout) ng “Kaalaman Tungo sa Kabuhayan” (K2K) Initiative sa ilalim ng National Reintegration Program.

Ang JMC ay nagtatag ng isang whole-of-government framework na nag-uugnay sa mga programa at serbisyo ng iba’t ibang ahensya upang patatagin ang muling pagpapanumbalik (reintegration) ng mga OFW sa pamamagitan ng:

  • Pagsasanay at pagpapaunlad ng kasanayan (skills development)
  • Pagsusuri at pagpapatunay ng kakayahan (competency assessment and certification)
  • Pagtulong sa paghahanap ng trabaho (employment facilitation)
  • Mga pagkakataon para sa napapanatiling pangkabuhayan (sustainable livelihood opportunities)

“Ipinapakita ng K2K Initiative ang ating commitment to empowering returning OFWs sa pamamagitan ng mga kasanayan, oportunidad, at suporta mula sa pamahalaan na kailangan nila upang matagumpay na makabalik at makapag-ambag sa ekonomiya ng Pilipinas,” pahayag ni Cacdac.

“Sa ilalim ng utos ng Pangulo, gumagawa tayo ng mas matibay na daan tungo sa disenteng trabaho at napapanatiling pangkabuhayan para sa ating mga makabagong bayani at sa kanilang mga pamilya,” dagdag pa niya.

BASAHIN  DOLE files motion to lift injunction on NCR wage hike

“Kung titingnan mo ang mga daan ng reintegrasyon, magkakaroon ng bahagyang pagtaas sa empleyo, lalo na kung magiging matagumpay ang pagpapatupad ng JMC,” ayon naman kay Tolentino.

“Tinitingnan natin ang mga OFW na nagbabalik matapos ang kanilang kontrata at trabaho. Ngayon, pinag-uugnay natin ang agwat sa pagitan local employment at global employment,” sabi naman ni Benitez.

Binuo batay sa matagumpay na pilot implementation ng K2K Initiative sa ilang piling rehiyon noong nakaraang bahagi ng taon, pormal na inilunsad ng JMC ang patuloy na pagpapalawak ng programa upang maabot ang mas marami pang nagbabalik na OFW sa buong bansa.

Sa pamamagitan ng pakikipagtulungang ito, ang mga OFW at ang kanilang mga pamilya ay magkakaroon ng mas malawak na access sa:

  • Pagsasanay na angkop sa pangangailangan ng industriya (industry-responsive training)
  • Pagpapaunlad ng digital at teknikal na kasanayan (digital and technical skills)
  • Pagsusuri at sertipikasyon ng kakayahan (assessment and certification)
  • Pagtutugma sa mga bakanteng trabaho (job matching)
  • Iba pang mga serbisyong tumutulong sa muling pagbabalik sa lipunan at ekonomiya

Bilang isang pangunahing inisyatibo para sa reintegrasyon at employment ng mga OFW, ipinapakita ng K2K ang komitment ng pamahalaan na magkaloob ng mga pagkakataon para sa panghabambuhay na pagkatuto, disenteng trabaho, at maayos na muling pagpapanumbalik sa lipunan.

Sa mas pinalakas na pagtutulungan ng TESDA, DMW, DOLE at OWWA, layunin ng inisyatibong ito na tiyaking mas maraming OFW at kanilang pamilya ang makikinabang sa mga pinagsamang programa na nagtataguyod ng produktibong trabaho at pangkalahatang pag-unlad ng ekonomiya.

LATEST STORIES

PLDT to block over 100 sites streaming school shootings, extreme violence

TELECOM giant PLDT Inc. and its wireless subsidiary Smart Communications are moving to block over 100 websites streaming school shootings and extreme violence, a...

Three arrested in Makati night patrol; illegal gambling, firearms, and drugs seized

POLICE officers arrested three men during a late-night anti-criminality operation in Makati City after a local resident tipped them off to an ongoing illegal...

Manila FAME 2026 set to capture new era of global design

AS artificial intelligence and rapid automation reshape global production, a growing counter-movement is driving demand for handcrafted, authentic design. Consumers worldwide are increasingly seeking pieces...

Japan credit rating agency affirms PH’s A- rating, reinforcing investor confidence

JAPAN-based credit rating agency Rating and Investment Information, Inc. (R&I) has affirmed the Philippines’ A- investment-grade rating with a stable outlook, citing the nation's...

Philippines leads regional push for stronger public finance systems for children

THE Philippines has reaffirmed its leadership in advancing child-responsive public financial management by hosting a regional knowledge-sharing exchange aimed at optimizing public resources for...

14 Americans, 18 Thais, 1 Filipino napatay sa Israel

MARAMING BANYAGA ang napatay, nasaktan, o ginawang bihag sa sorpresang pag-atake ngHamas terrorist group sa Israel magmula nitong Oktubre 7. Kinumpirma ni US President Joe...