Escudero pa rin bilang Senate president

Share

TULAD ni Congressman Martin Romualdez na nahalal muli bilang House speaker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, muli ring nahalal bilang Pangulo ng senado si Senador Francis “Chiz” Escudero sa ginanap na botohan ngayong araw sa pagbubukas ng sesyon ng ika-20 Kongreso.

Labing siyam (19) na senador ang bumoto pabor kay Escudero samantalang sina senador Risa Hontiveros, Loren Legarda, Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri at Panfilo ‘Ping’ Lacson lamang ang bumoto kay dating senate president Tito Sotto.

Kasama sa nagpanatili kay Escudero ang tinaguriang Duterte bloc na kinabibilangan nina Senador Bong Go, Imee Marcos, Rodante Marcoleta, Ronald “Bato” dela Rosa, Robin Padilla, at ang magkapatid na sina Mark at Camille Villar.

BASAHIN  Alan Peter Cayetano inihalal na bagong pangulo ng Senado

Sina Senador Bam Aquino at Kiko Pangilinan na kaalyado ng ruling party noon na Liberal Party ay bumoto rin kay Escudero upang manatili ito sa puwesto.

Si Senador Joel Villanueva na nag-nominate kay Escudero ang naging Majority Floor Leader samantalang si Senador Jinggoy Estrada naman ang napiling Senate Pro Tempore.

Kasama rin sa nagpanalo kay Escudero sina Senador Lito Lapid, Sherwin Gatchalian, ang kapatid sa ama ni Jinggoy na si JV Ejercito, ang magkapatid na Raffy at Erwin Tulfo ganun din sina Alan at Pia Cayetano.

Batay sa patakaran ng senado, ang natalong si Sotto ay awtomatikong magiging Senate Minority Leader.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Taiwan, visa-free hanggang 2024

PINALAWIG pa ng Taiwan ng isang taon ang visa-free entry policy para sa Pilipinas magmulaAgosto 1, 2023 hanggang Hulyo 31, 2024. Sa isang official statement,...