₱170-K halaga ng shabu, nasabat sa buy-bust operation sa QC

Share

Kalaboso ang tatlong lalaki matapos mahulihan ng ₱170,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation kaninang madaling araw sa Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Gahmad Apiran, 21-anyos, Larry Pulido, 43-anyos at Joemar Janapin, 30-anyos, pawang mga residente ng Barangay Culiat, Quezon City.

Matapos makatanggap ng tip mula sa isang concerned citizen kaugnay sa kanilang illegal drug activities, nagkasa ng buy bust operation ang mga tauhan ng Project 4 Police Station, sa pangunguna ni PLtCol. Jake Barila, sa kahabaan ng P. Burgos Street, Brgy. Escopa 3, Project 4, na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Nakuha mula sa tatlo ang 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱170,000, isang coin pouch, dalawang cellular phones, at ang buy-bust money.

BASAHIN  Renobasyon ng Pamantasan ng Lungsod ng Pasig, tapos na

Nakakulong na sa QC custodial facility ang mga suspek at kinasuhan ng paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

IBA PANG BALITA

Ang Huling Sayaw: Isang Kuwento ng Pamilya Romanov ng Rusya

SA simula ng ika-20 siglo, ang Russia ay isang bansa na puno ng kontradiksyon. Sa isang dako, naroon ang maringal na Winter Palace sa...

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

Michelle dee, May special treatment bilang PAF reservist?

SA HARAP nang mga akusasyon na hindi niya nakumpleto ang training bilang Philippine AirForce (PAF) reservist, opisyal na nakapagtapos si Michelle Dee nitong Setyembre...