2 Nagbenta ng shabu huli sa baril at droga

Share

Kulungan ang bagsak ng dalawang lalaki na sangkot sa ilegal na pagbebenta ng baril sa isinagawang entrapment operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 32 o Unlawful Manufacture, Importation, Sale or Disposition of Firearms or Ammunition at Section 28 Unlawful Acquisition, or Possession of Firearms and Ammunition ng R.A. 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition in relation to Omnibus Election Code ang mga naarestong suspek na sina alyas “Rodolfo”, 62-anyos, technician, residente ng Brgy., 135, at alyas “Edilberto”, 45-anyos, jeepney driver ng Brgy., 145, kapwa ng Bagong Barrio, Caloocan City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta na bandang 11:20 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng Intelligence Section (IS) sa pangunguna ni P/Maj. John David Chua, katuwang ang Regional Mobile Force Battalion at Northern NCR Maritime Police, ang entrapment operation laban sa mga sa C-3 Road, Brgy. 28.

BASAHIN  Pintor sumabit sa kuryente, patay

Nang tanggapin ng mga suspek ang P15,500 marked money, kasama ang 15-pirasong P100,00 boodle money kapalit ng isang kalibre .45 pistola na may magazine na naglalaman ng dalawang bala ay agad na silang sinunggaban ng mga operatiba.

Bukod sa markadong salapi at ibinentang baril, nakumpiska rin sa mga suspek ang isa pang kalibre .38 revolver  na kargado ng tatlong bala at cellular phone na gamit umano ng mga suspek sa ilegal na transaksiyon.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Negosyante kinasuhan ng Perjury

Arestado ang isang negosyanteng manggagantso matapos ipagsinungaling na ninakaw ang P22.5M cash; limang mamahaling relo na nasa P12.8M; diamonds na P10M; at mga baril...