33.4 C
Manila
Sunday, February 23, 2025

P 3.5-M shabu  nasabat sa 2 tulak sa Muntinlupa buy-bust

Arestado ang dalawang tulak ng illegal na droga matapos makuhanan ng 525 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.5 million sa ikinasang buy-bust operation sa Summitville, Brgy. Putatan, Muntinlupa City.

Nakilala ang mga naaresto na sina James M Regonay, 37-anyos at Dante L Cleofe, 48-anyos, kapwa residente ng Holy St., Summitville, Brgy. Putatan, Muntinlupa City.

Base sa report na nakalap mula sa tanggapan ni NCRPO Chief PBGen. Jose Melencio Nartatez, Jr., inaresto ang mga suspek bandang 7:20  kamakalawa ng gabi matapos ang naganap na transaksyon sa pagbili ng shabu.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang genuine P1,000 na may kasamang  bundle ng boodle money na ginamit bilang buy-bust money; isang android phone;  lighter, at dalawang coin purse na may ID.

BASAHIN  3 miyembro ng Niepes Robbery Group na wanted sa NCR, Region 3 arestado

Dinala ang mga nakumpiskang droga sa PNP Forensic Group, Camp Crame, Quezon City habang nakakulong ang mga suspek sa  Muntinlupa City Police Station at sinampahan ng kasong paglabag sa  R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

BASAHIN  Abalos, suportado ang pagsibak sa Mandaluyong police chief

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA