33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

EPD pinaigting ang kakayahaang makita ng publiko

PINAIGTING ng Eastern Police District (EPD) ang kakayahan nito na makita ang presensya sa
mga pampublikong lugar, kagaya ng malls at shopping centers, sa simula ng “ber months”.


Ayon kay EPD Director P/Brig. Gen. Wilson Asueta, pinalakas nila ang deployment ng mga pulis sa
mga lugar na malapit sa malls at shopping centers para sa seguridad at kaligtasan ng mga
nagpupunta rito, lalo na sa darating na kapaskuhan.


Ito ang kanyang mensahe sa ika-122 anibersaryo ng pulisya at ika-49 taon nang pagkakatatag ng
EPD, na ginanap sa Megatrade Hall 3, SM Mega Mall, Mandaluyong City.


Kinilala ng EPD ang mga opisyal at tauhan ng bawat himpilan ng pulisya sa Pasig, Mandaluyong,
Marikina at San Juan, na nakatulong para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

BASAHIN  Dahil sa walang humpay na pagtugis, most wanted ng Samar sumuko—Abalos

Kinilala rin ang Pasig City Police Station bilang pinakamahusay na police station. Tumanggap ito
ng iba’t-ibang pagkilala, gaya ng Special Award for Anti-Gambling Campaign, Special Unit Award
for Highest Number of Confiscated Fire Arms, at Special Award for Anti-Illegal Drugs Campaign.


Idiniin ni Asueta na patuloy na maglilingkod ang EPD nang may dedikasyon, lalo na sa
pagpapalaganap ng polisiya ng karapatang pantao sa bawat komunidad, Ito ay bilang pagsunod sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagsunod sa batas.

BASAHIN  P340-K na Halaga ng shabu, nakumpiska sa Pasig

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA