“KAHIT sumpak ay nakamamatay din,” ito ang natutunan ng isang menor de edad matapos mahulihan ng improvised firearm o sumpak at isang 12-gauge shotgun ammunition at ngayon ay kasalukuyang nakakulong sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Muntinlupa City.
Sa report ng Poblacion Substation, inaresto nila ang isang 16-anyos na menor de edad na alyas Denver matapos makitaan ng sumpak na nakalagay sa kanyang jacketÂ
Ayon sa report pulisya, isang concerned citizen ang nagbigay ng tip kaugnay sa kahina-hinalang kilos ng binatilyo na nakatayo sa kanto ng Phase 2 Francisco Demesa St., Southville 3, Brgy. Poblacion, bandang 10:40 kamakalawa ng gabi.
Agad na nagresponde ang ilang tauhan ng Poblacion Police at pinuntahan ang lugar at nakita ang suspek na nakasuot ng gray jacket at black shorts at nang sitahin ay nakita ang isang improvised firearm na sumpak.
Kinasuhan ang binatilyo ng paglabag sa RA 10591 at Batas Pambansa 881 o kilala bilang Omnibus Election Code of the Philippines.