Totoy huli sa sumpak

“KAHIT sumpak ay nakamamatay din,” ito ang natutunan ng isang menor de edad matapos mahulihan ng  improvised firearm o sumpak at isang 12-gauge shotgun ammunition at ngayon ay kasalukuyang nakakulong sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Muntinlupa City.

Sa report ng Poblacion Substation, inaresto nila ang isang 16-anyos na menor de edad na alyas Denver matapos makitaan ng sumpak na nakalagay sa kanyang jacket 

Ayon sa report pulisya, isang concerned citizen ang nagbigay ng tip kaugnay sa kahina-hinalang kilos ng binatilyo na nakatayo sa kanto ng Phase 2 Francisco Demesa St., Southville 3, Brgy. Poblacion, bandang 10:40 kamakalawa ng gabi.

Agad na nagresponde ang ilang tauhan ng Poblacion Police at pinuntahan ang lugar at nakita ang suspek na nakasuot ng gray jacket at black shorts at nang sitahin ay nakita ang isang improvised firearm na sumpak.

Kinasuhan ang binatilyo ng paglabag sa RA 10591 at Batas Pambansa 881 o kilala bilang Omnibus Election Code of the Philippines.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...